P500-M share ni Gatchalian pinaipit ng Sandiganbayan
October 2, 2002 | 12:00am
Hindi na maaaring galawin ni plastic king William Gatchalian ang kanyang P500 milyong share sa Waterfront Hotel Philippines makaraang ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-freeze dito.
Ang nasabing halaga ang kolateral sa P500 milyong inutang ni Gatchalian sa Jose Velarde account na pinaniniwalaan namang pag-aari ni dating pangulong Estrada.
Bahagi ang pagpigil sa share sa inilabas na freeze order ng korte laban sa lahat ng pinaniniwalaang ari-arian ni Estrada.
Ipinadala na ni Sheriff Edgardo Urieta ang notice of garnishment sa pangulo ng Equitable-PCI bank upang pigilin ang pag-withdraw sa share. Binigyan din ang bangko ng limang araw upang sagutin kung nasa pangangalaga pa nila ang nasabing salapi. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest