Ayon kay Singson, walang pinatay si Jimenez at hindi naman isang heinous crime ang ginawa nito kayat dapat itong payagang magpiyansa.
Pinayuhan nito si Jimenez na mag-relax at gawin ang lahat ng legal na paraan sa pagresolba ng kanyang kaso.
Sinabi pa ni Singson na hindi nakikialam si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at itinanggi na lumapit sa kanya si Jimenez upang humingi ng tulong sa Malacañang.
Hindi rin naniniwala ang dating gobernador na tatakas si Jimenez upang hindi ito makulong sa Pilipinas habang dinidinig ang kanyang extradition case.
Naniniwala naman si House Speaker Jose De Venecia na hindi mahaharap sa constitutional crisis ang bansa dahil sa kaso ni Jimenez.
Pinayuhan din nito si Jimenez na makipagnegosasyon sa Washington D.C. hinggil sa kanyang plea bargaining bilang pinal na solusyon sa kanyang kaso. (Ulat nina Malou R. Escudero at Jhay M. Quejada)