ASG nagpalit ng pangalan
September 29, 2002 | 12:00am
Posibleng magbagong-buhay na ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) dahil sa pagpapalit nito ng pangalan.
Mula sa kilalang bansag na bandidong Abu Sayyaf ay tatawagin na silang Haraka-al-Isalamiyah na hango sa pananampalataya nilang Islam.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon, ngayong nagpalit na ng pangalan ang ASG, nararapat lamang na itigil na ng mga ito ang kanilang kidnapping activities.
"Kung iyan ang bago nilang pangalan, I expect na hindi na sila mangingidnap kasi ang Haraka-al-Isalamiyah ay Islam organization na hindi gumagawa ng maling gawain tulad ng pangingidnap," anang solon.
Idiniin nito na hindi turo ng Islam ang pagkidnap at pamumugot ng ulo kaya kailangang magbago na ng direksiyon ang grupo ni Khadaffy Janjalani.
Subalit kahit magbago man ng pangalan, hindi pa rin ligtas sina Janjalani sa kanilang kasalanan sa batas, ayon naman kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.
Kailangang panagutan pa rin ni Janjalani ang kanilang mga kasalanan sa batas tulad ng pagkidnap at pagpatay sa kanilang mga dinukot, ani Barbers. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended