Layunin ng fund drive na makakolekta ng P213,000 o P1,000 sa bawat isang kongresista. Sa kasalukuyan ay may 213 miyembro ang Kamara.
Ang nasabing salapi ay ipandadagdag sa P780,000 o $15,000 blood money na kinakailangang bayaran sa pamilya ng umano ay biktima ni Gasmen na si Khim Bahadur Gurung, isang Nepalese.
Nakatakdang maghain ng resolusyon para sa nasabing kampanya si Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada upang maumpisahan na ang fund raising campaign sa darating na Lunes, Setyembre 30 sa muling pagbubukas ng sesyon. (Ulat ni Malou Escudero)