^

Bansa

Blood money ni Gasmen tinatrabaho ng Kamara

-
Inilunsad kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang "Isang Libo Para kay Primo" fund drive na inaasahang makakapagligtas sa OFW na si Primo Gasmen na nakatakdang pugutan ng ulo sa Saudi Arabia sa Enero 2003.

Layunin ng fund drive na makakolekta ng P213,000 o P1,000 sa bawat isang kongresista. Sa kasalukuyan ay may 213 miyembro ang Kamara.

Ang nasabing salapi ay ipandadagdag sa P780,000 o $15,000 blood money na kinakailangang bayaran sa pamilya ng umano ay biktima ni Gasmen na si Khim Bahadur Gurung, isang Nepalese.

Nakatakdang maghain ng resolusyon para sa nasabing kampanya si Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada upang maumpisahan na ang fund raising campaign sa darating na Lunes, Setyembre 30 sa muling pagbubukas ng sesyon. (Ulat ni Malou Escudero)

APOLINARIO LOZADA

ENERO

INILUNSAD

ISANG LIBO PARA

KHIM BAHADUR GURUNG

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

NEGROS OCCIDENTAL REP

PRIMO GASMEN

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with