^

Bansa

Datumanong OIC sa PEA

-
Agad humirang si Pangulong Arroyo ng officer-in-charge (OIC) sa Public Estates Authority matapos na magbakasyon ang mga opisyal ng PEA dahil sa umano’y anomalya sa Pres. Diosdado Macapagal blvd. sa Reclamation area.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, si Public Works Secretary Simeon Datumanong ang magsisilbing OIC sa PEA at isa sa direktiba ng Pangulo kay Datumanong ay tiyaking hindi magagalaw ang mga dokumento sa sinasabing road project.

Mananatili si Datumanong sa pangangasiwa sa PEA hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon.

Sa kasalukuyan ay nagsimula na ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) sa pag-iimbestiga sa road scam.

Tiniyak ng Malacañang na walang sisinuhin sa mga opisyal ng PEA na sangkot sa katiwalian at kung kinakailangan ay pakakasuhan ito sa Ombudsman. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

DATUMANONG

DIOSDADO MACAPAGAL

ELY SALUDAR

MALACA

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

PUBLIC ESTATES AUTHORITY

PUBLIC WORKS SECRETARY SIMEON DATUMANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with