Rep. Jimenez di ilalaglag si Erap
September 27, 2002 | 12:00am
Tahasang tinanggihan ni Manila Rep. Mark Jimenez ang panukala ng Ombudsman na tumestigo ito laban sa kaibigan nitong si dating Pangulong Estrada kapalit ng pansamantalang kalayaan kaugnay ng kasong extradition ng una.
"Bayaan na lang umusad ang rule of law," ani Jimenez sa isang panayam sa radyo.
Reaksiyon ito ni Jimenez sa naibalitang pahayag ni acting Ombudsman Margarito Gervacio na puwedeng gawing prosecution witness ang kongresista upang palakasin ang mga kasong isinampa laban sa dating pangulo.
Sinabi ni Jimenez na ang aasikasuhin niya ay ang paghahain ng motion for reconsideration upang baguhin ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa P1 milyong piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya at hindi bilang isang saksi.
Si Jimenez ay isa sa mga malapit sa dating presidente na binigyan pa ng mataas na puwesto sa administrasyong Estrada.
Naghain na kahapon ng re-issuance of warrant of arrest ang Department of Justice (DOJ) kay Manila Regional Trial Court (RTC) branch 42 Judge Guillermo Purganan upang magpalabas ito ng warrant na siyang magbibigay ng hudyat sa National Bureau of Investigation (NBI) upang madakip agad si Jimenez kaugnay sa kaso nitong extradition.
Ipinaliwanag ni DOJ Secretary Hernando Perez na dahil ang kaso ni Jimenez ay summary proceeding kung kayat dapat ay final at executory ang hatol ng Korte at hindi na dapat pang hintayin ang 15 araw na palugit ng SC.
Sinabi kahapon ni Secretary Perez na hindi aarestuhin sa loob ng session hall ng Kongreso si Jimenez at irerespeto nila at bibigyan ng dignidad ang kongresista.
"He will not be arrested inside Congress, we will respect Congress as an institution," ayon sa kalihim.
Ayon pa kay Perez, hindi rin nila lalagyan ng posas ang kongresista subalit hindi umano ito nangangahulugan na bibigyan ng NBI ng VIP treatment si Jimenez.
Tiniyak naman ni NBI Director Reynaldo Wycoco na tanging siya ang maghahain ng warrant of arrest sa kongresista dahil nakasaad sa Presidential Decree 1069 o ang extradition treaty act of 1977 na tanging ang NBI director lamang ang maaring italaga upang mamahala sa pagdakip ng isang extradite.
Idinagdag pa nito na mayroon ng nakahandang kulungan si Jimenez kasama ang anim pang mga preso na mayroon ding naka-pending na extradition cases sa Korte Suprema. (Ulat nina Malou Escudero, Gemma Amargo at Andi Garcia)
"Bayaan na lang umusad ang rule of law," ani Jimenez sa isang panayam sa radyo.
Reaksiyon ito ni Jimenez sa naibalitang pahayag ni acting Ombudsman Margarito Gervacio na puwedeng gawing prosecution witness ang kongresista upang palakasin ang mga kasong isinampa laban sa dating pangulo.
Sinabi ni Jimenez na ang aasikasuhin niya ay ang paghahain ng motion for reconsideration upang baguhin ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa P1 milyong piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya at hindi bilang isang saksi.
Si Jimenez ay isa sa mga malapit sa dating presidente na binigyan pa ng mataas na puwesto sa administrasyong Estrada.
Ipinaliwanag ni DOJ Secretary Hernando Perez na dahil ang kaso ni Jimenez ay summary proceeding kung kayat dapat ay final at executory ang hatol ng Korte at hindi na dapat pang hintayin ang 15 araw na palugit ng SC.
Sinabi kahapon ni Secretary Perez na hindi aarestuhin sa loob ng session hall ng Kongreso si Jimenez at irerespeto nila at bibigyan ng dignidad ang kongresista.
"He will not be arrested inside Congress, we will respect Congress as an institution," ayon sa kalihim.
Ayon pa kay Perez, hindi rin nila lalagyan ng posas ang kongresista subalit hindi umano ito nangangahulugan na bibigyan ng NBI ng VIP treatment si Jimenez.
Tiniyak naman ni NBI Director Reynaldo Wycoco na tanging siya ang maghahain ng warrant of arrest sa kongresista dahil nakasaad sa Presidential Decree 1069 o ang extradition treaty act of 1977 na tanging ang NBI director lamang ang maaring italaga upang mamahala sa pagdakip ng isang extradite.
Idinagdag pa nito na mayroon ng nakahandang kulungan si Jimenez kasama ang anim pang mga preso na mayroon ding naka-pending na extradition cases sa Korte Suprema. (Ulat nina Malou Escudero, Gemma Amargo at Andi Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 16 hours ago
By Doris Franche-Borja | 16 hours ago
By Ludy Bermudo | 16 hours ago
Recommended