Atong at Ricaforte ipapalit kay Jimenez

Malaki ang posibilidad na si Mark Jimenez ang ipalit ng Pilipinas kina Charlie "Atong" Ang at Yolanda Ricaforte na kasalukuyang nasa Amerika.

Ito ang hinala ng People Power Coalition makaraang malathala ang balaking i-extradite pabalik ng Pilipinas ang matalik na kaibigan at accountant ni dating Pangulong Estrada para dito na lamang nila harapin ang kasong pandarambong.

Si Ang ay kasalukuyang nakapiit sa Las Vegas, USA. Inaresto ito sa Amerika dahil na rin sa kahilingan ng gobyernong Pilipinas.

Samantala si Ricaforte ay nakakalaya pa rin sa US. (Ulat ni Malou Escudero)

Show comments