Niliwanag ni Ople sa mga opisyal na ang posisyon ng Pilipinas ay ipagpatuloy ang kanilang kagustuhan at paniwala sa UN Security Council na magbibigay ng agarang solusyon upang maresolbahan ang naturang usapin.
Tinalakay din ang pagpapatibay ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Pakistan.
Kasabay nito, nagpatawag ng national security council meeting si Pangulong Arroyo upang talakayin ang mga gagawing hakbang ng Pilipinas bilang paghahanda sa anumang pagsiklab ng giyera kaugnay ng paghahanda ng US sa kanilang 100,000 tropa upang makidigma sa Iraq.
Nais ng Pangulo na bumalangkas ng social, political at economic measures at maging handa ang Pilipinas sa krisis sa Middle East. (Ulat ni Ellen Fernando)