^

Bansa

US-Iraq war pinaghahandaan na

-
Nakipagpulong na kahapon si Foreign Affairs Secretary Blas Ople sa mga miyembro ng gabinete at ministro sa Estados Unidos, Iraq at Pakistan para pag-usapan ang isyu tungkol sa muling pag-init ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

Niliwanag ni Ople sa mga opisyal na ang posisyon ng Pilipinas ay ipagpatuloy ang kanilang kagustuhan at paniwala sa UN Security Council na magbibigay ng agarang solusyon upang maresolbahan ang naturang usapin.

Tinalakay din ang pagpapatibay ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Pakistan.

Kasabay nito, nagpatawag ng national security council meeting si Pangulong Arroyo upang talakayin ang mga gagawing hakbang ng Pilipinas bilang paghahanda sa anumang pagsiklab ng giyera kaugnay ng paghahanda ng US sa kanilang 100,000 tropa upang makidigma sa Iraq.

Nais ng Pangulo na bumalangkas ng social, political at economic measures at maging handa ang Pilipinas sa krisis sa Middle East. (Ulat ni Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

GITNANG SILANGAN

KASABAY

MIDDLE EAST

NAKIPAGPULONG

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

SECURITY COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with