Nagbulgar ng Macapagal Highway scam humingi ng bakasyon
September 24, 2002 | 12:00am
Dahil umano sa delicadeza, personal na nagtungo kahapon sa Malacañang ang whistle-blower na si PEA director Sulficio Tagud Jr. upang humingi ng permiso sa Pangulo na magbakasyon muna habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na Diosdado Macapagal Highway. Si Tagud ang nagbulgar sa umanoy overpricing sa naturang kalsada na nagkakahalaga ng P600M. Kasabay nito, nilinis ni Tagud si First Gentleman Mike Arroyo at tanging mga opisyal lamang ng PEA ang sangkot umano sa anomalya. (Ulat ni Ely Saludar)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest