Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na hindi na bago ang banta ng NPA at ito lamang umano ay bahagi ng estratehiya ng mga isinasagawa nilang asasinasyon.
Gayunman,pinayuhan ni Bunye ang mga opisyal ng pamahalaan maging sa pulisya at militar ang ibayong pag-iingat upang hindi masilat ng NPA.
Nauna rito,sinabi ng rebeldeng NPA na ang gagawin nilang paglikida sa mga opisyal ng pamahalaan ay bilang pagtatanggol umano sa demokrasya dahil na rin sa umanoy talamak na katiwalian.
Iginiit naman ni Bunye na ang paglikida ng NPA ay hindi bahagi ng demokrasya. (Ulat ni Ely Saludar)