^

Bansa

Paglikida ng NPA sa mga opisyal ng gobyerno dinedma ng Malacañang

-
Minaliit ng Malacañang ang panibagong banta ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa paglilikida umano sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na hindi na bago ang banta ng NPA at ito lamang umano ay bahagi ng estratehiya ng mga isinasagawa nilang asasinasyon.

Gayunman,pinayuhan ni Bunye ang mga opisyal ng pamahalaan maging sa pulisya at militar ang ibayong pag-iingat upang hindi masilat ng NPA.

Nauna rito,sinabi ng rebeldeng NPA na ang gagawin nilang paglikida sa mga opisyal ng pamahalaan ay bilang pagtatanggol umano sa demokrasya dahil na rin sa umano’y talamak na katiwalian.

Iginiit naman ni Bunye na ang paglikida ng NPA ay hindi bahagi ng demokrasya. (Ulat ni Ely Saludar)

BUNYE

ELY SALUDAR

GAYUNMAN

IGINIIT

MALACA

MINALIIT

NAUNA

NEW PEOPLE

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with