Mga aksidente, konektado sa illegal drugs
September 22, 2002 | 12:00am
May kinalaman sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga nagaganap na aksidente sa hanay ng mga indibidwal, batay sa ginawang pag-aaral ng US National Institute on Drug Abuse.
Ang naturang pag-aaral ay lumabas sa ginawang pananaliksik sa hanay ng mga empleyado ng Federal Railroad Management (FRM) sa nagaganap na Human Factor railroad accidents sa Estados Unidos.
Napansin sa pag-aaral na noong 1993 ay may 911 Human Factor Accidents (HFA) na nagresulta sa $6.4 milyong property damage. Pero matapos na ipatupad ng Federal government ang random, mandatory at unannounced drug testing program, ang HFA factors ay bumaba ng sumunod na mga taon at noong 1998 ay 54 na lamang ang HFA habang nasa $1 milyon ang property damage.
"This data from the US serves as an empirical evidence on the effect of drugs and the importance of detecting employees use early," pahayag ni Mylon Villasante, spokesman ng Drug Check Philippines Inc., ang no.1 at first nationwide dug testing firm.
Kaugnay nito, nanawagan ang Drug Check sa lahat ng public transport organization partikular ang mga may sakay na pasahero na matamang tingnan ang usapin ng droga sa hanay ng mga empleyado upang makatipid sa gastusin at maiwasan ang mga aksidente. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am