PEA, GSIS officials dapat magbakasyon
September 21, 2002 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Senate President Pro-Tempore Juan Flavier sa mga opisyal ng Public Estate Authority (PEA) at Government Service Insurance System (GSIS) na sinasabing sangkot sa pagpapautang para sa konstruksyon ng Diosdado Macapagal Avenue na pansamantalang magbakasyon ang mga ito bilang delicadeza.
Sinabi ni Flavier na susuportahan niya ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng senado ukol sa kontrobersiyal na P1.1 bilyong halaga na ipinautang ng dalawang ahensiya para sa nasabing access road sa Reclamation area sa Manila Bay.
Sa inihaing senate resolution no. 330, sinasabing nagkaroon ng mismanagement ang GSIS sa pagkakaloob nito ng mga pautang na nagresulta sa pagkalugi mula P800 milyon hanggang P1 bilyon taun-taon. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 14 hours ago
By Doris Franche-Borja | 14 hours ago
By Ludy Bermudo | 14 hours ago
Recommended