'Tried and tested formula isa-publiko
September 21, 2002 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Senador Rene Cayetano ang pamunuan ng pulisya na ibunyag sa publiko ang nilalaman ng kanilang "tried and tested" formula na ginamit para sa pagpapalaya sa 2 anak ni Negros Occidental Rep. Julio Ledesma IV kamakailan.
Tinanggihan ni Cayetano ang alok ni Ledesma na sa kanila lamang mga senador ipabatid ang ginamit na " tried and tested" formula bagkus ay dapat isapubliko ang nilalaman nito.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng kaalaman ang publiko sa dapat nilang gawin sakaling mangyari sa kanilang mga anak o mahal sa buhay ang naganap sa dalawang anak ni Ledesma.
Magugunita na ipinagmalaki ng pulisya at ni Ledesma na epektibo ang ginamit nilang formula upang mapalaya sa kamay ng mga kidnapper ang kanyang dalawang anak.
Maging si Senador Joker Arroyo ay nais na magkaroon ng case study sa naganap na pagpapalaya sa dalawang anak ng kongresista upang matukoy kung paano naging epektibo ang nasabing formula. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest