PEA at GSIS pinagpapaliwanag sa Macapahgal Highway anomaly
September 20, 2002 | 12:00am
Inatasan kahapon ni Pangulong Arroyo ang mga opisyal ng Public Estate Authority (PEA) at Government Service Insurance System (GSIS) na magpaliwanag sa Malacañang kaugnay sa umanoy maanomalyang P1.1 bilyong proyekto sa President Diosdado Macapagal Highway sa reclamation area sa Roxas blvd. na pinondohan ng GSIS at pinangasiwaan ng PEA.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na pinagpapaliwanag agad sa lalong madaling panahon ang PEA at GSIS matapos matuklasan na sumobra sa P600 milyong piso ang presyo ng nasabing proyekto.
Ayon kay Bunye, ang paliwanag ng PEA at GSIS ay ipinasusumite ng Pangulo kay Chief Presidential Legal counsel Avelino Cruz para sa isasagawang imbestigasyon.
Lumitaw ngayon na ang nasabing highway ay siyang pinakamagastos na kalsada sa buong bansa at bukod dito ay nabahiran ng anomalya ang ama ni Pangulong Arroyo kung saan ipinangalan ang nasabing kalsada. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended