Dagdag piso sa pasahe ipupursige
September 20, 2002 | 12:00am
Pursigido na ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na igiit ang pisong taas sa pasahe sa mga pampasaherong dyip matapos na tumaas kamakalawa ang halaga ng liquified petroleum gas (LPG).
Sinabi ni Medardo Roda ng PISTON na bantulot silang humingi ng pisong taas sa pasahe dahil ang tatamaan nito ay ang maliliit na mamamayan.
Subalit ngayon anya ay hindi na sila mapipigilan pa sa paghiling na maitaas sa piso ang pamasahe sa dyip dahil tumaas naman ang halaga ng LPG.
Matinding epekto at pasakit na anya ang sunud-sunod na pagtataasan ng halaga ng gasolina at LPG sa kakarampot nilang kita mula sa arawang boundary.
Sa Lunes ay ihaharap ng PISTON sa LTFRB ang kanilang fare increase petition. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest