'Pinas wag pauto sa Taiwan, bagsak presyong F-5 fighters wag patulan
September 19, 2002 | 12:00am
Hinimok kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda ang liderato ng Senado at Kamara na mahigpit na tutulan ang plano ng pamahalaan na bumili ng mga murang F5-fighter jets mula sa Taiwan subalit ang magiging kapalit naman ay ang integridad ng teritoryo ng Pilipinas.
Sinabi ni Sen. Legarda, sobra ang hinihinging kapalit ng Taiwan sa pagbebenta nito sa atin ng murang halaga ng kanilang fighter planes sa kondisyong payagan ang kanilang mga war planes na lumanding sa dating US air base sa Clark Field, Pampanga.
Bukod dito, nais din ng Taiwan na payagan na makapagsagawa ng training ang kanilang mga piloto sa Philippine air space.
Ani Legarda, sakaling payagan ng gobyerno ang mga kondisyong ito kapalit ng bagsak presyong offer ng Taiwan para sa kanilang 24 fighter planes ay posibleng madamay tayo sa gulo na namamagitan sa China at Taiwan.
Idinagdag pa nito, ibinasura ng Pilipinas ang pagkakaroon ng military bases treaty sa Estados Unidos dahil ayaw nating magkaroon ng base militar ang mga dayuhan sa ating bayan sa panganib na magsilbi itong magnet para sa pag-atake ng kalaban nitong bansa.
"So why would we allow the Taiwanese to have a de facto air base in our country just so we can have the ageing F5s and this would not only violate the one-China policy but would be also tantamount to taking sides in the China-Taiwan conflict," wika pa ng senadora. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest