Ang warehouse sa Tondo na matatagpuan sa 656 Rada st., Tondo, Manila ay sinasabing pag-aari ng negosyanteng Chinese na si Sunny Lu, habang ang stall sa Divisoria ay sinasabing pag-aari umano nina Melanie Zeta at Zhuang Ying Ping.
Ang raid ay kasunod ng ilang lingong pagmamanman at test buys na isinagawa ng raiding team. Sa bisa ng search warrants na ipinalabas ni Judge Antonio Eugenio ng Manila Regional Trial Court, tinungo ng grupo ni CIDG Anti-Fraud Unit chief Atty. Virgilio Pablico at team leader Col. Rodolfo Recamono ang naturang mga lugar at naaresto sina Lu at Ping.
Kapag napatunayang nagkasala, nahaharap ang mga suspek sa 2-5 taong pagkakulong at multang mula P50,000 hanggang P200,000.
Ayon kay Kiwi legal counsel Atty. Imelda mabandos, patuloy nilang hahabulin ang sinumang distributor, supplier, importer o retailer ng fake Kiwi products dahil sinisira nito ang imahe ng tutoong produkto.
Ang pekeng Kiwi ay kadalasang inilalako ng mga "bilao" vendors sa mga sidewalks at public markets sa murang halaga mula P12-20.
Ang pekeng Kiwi ay hindi nagpapakintab at sa halip ay sinisira nito ang sapatos kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat.