PIATCO tinapos na ng Senado
September 17, 2002 | 12:00am
Tinapos na kahapon ng Senado ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kontrobersiyal na PIATCO deal kung saan ay posibleng maglabas sila ng interim report sa mga susunod na araw at inaasahang irekomenda ng Senate blue ribbon committee na ibasura ang kontrata matapos matuklasan sa 7 pagdinig na isinagawa na depektibo ito.
Sinabi ni Sen. Joker Arroyo, chairman ng Senate blue ribbon na ang nilalaman ng Concession Agreement sa panig ng PIATCO at Ramos administration noong 1997 at ang Amended Reconstituted Concession Agreement (ARCA) sa Estrada government ay pawang disadvantageous.
Samantala, ipinag-utos naman ni Sen. Arroyo ang pag-aresto kay Emmanuel Cuevas dahil sa dalawang ulit nitong pagbalewala sa ipinatawag na imbitasyon ng komite para magbigay ng impormasyon kung saan dinala ni PIATCO consultant Alfonso Liongson ang P100 milyon na ibinayad dito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest