Al-Qaeda aatake sa Pilipinas - CIA report
September 17, 2002 | 12:00am
Ibinulgar ng isang naarestong terrorist suspek na target ng pag-atake ng al-Qaeda terrorist network ang bansang Pilipinas.
Sa nakuhang top-secret CIA document at regional intelligence reports ng TIME Magazine, inamin sa ginawang interogasyon sa nadakip na si Omar al-Faruq, senior representative sa Southeast Asia ng al-Qaeda, na inutusan siya ng dalawang senior al-Qaeda officials na sina Abu Zubaydah at Ibn al-Shaykh al-Libi na "planuhin ang malawakang pag-atake laban sa mga bansang Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, Taiwan, Vietnam at Cambodia.
Si al-Faruq ay isa sa Americas top terror detainees at sangkot sa serye ng terror plots sa nakalipas na tatlong taon, kabilang ang bigong assassination attempt laban kay Indonesian President Megawati.
Partikular na tinukoy sa dokumento ay ang ginawang plano ni al-Faruq sa sunud-sunod na car/truck bomb attacks sa mga embahada ng Amerika sa nabanggit na mga bansa na magaganap bago o sa mismong anibersaryo ng Sept. 11 World Trade attack.
Ayon pa kay al-Faruq, kahit naaresto siya, nakapuwesto na ang mga backup operatives at naghihintay na lamang ng hudyat para "isagawa ang operation gaya ng naka-plano."
Ginawa ni Al-Faruz ang "pangungumpisal" na ito matapos ang may tatlong buwang pananahimik sa kulungan.
Binanggit din sa confessions ng al-Qaeda terrorist na kahit na nawala ang kanilang base sa Afghanistan, aktibo pa rin ang al-Qaeda sa pagpapalakas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ekstremista sa buong mundo na umaayon sa ipinaglalaban ni Osama bin Laden.
Bilang point-man ng al-Qaeda, si al-Faruq ay tumatanggap ng financial at operational assistance mula sa Jemaah Islamiah (JI), isang militanteng grupo na humihiling na magtatag ng pure Islamic state sa Southeast Asia partikular sa mga bansang Indonesia, Philippines, Malaysia, Singapore at Brunei.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest