Ayon kay labor attache' Reydeluz Conferido na nakabase sa Seoul, South Korea na ang akusado na si Park Byeong-Young ay hinatulan ng sampung buwan na pagkabilanggo at pagbabawal na buksan ang kanyang club sa loob ng dalawang taon.
Sinabi rin ni Conferido, matapos ang ilang buwang pagkakulong ng akusado ito ay binigyan ng parol subalit kinakailangan nitong gumugol ng 80 oras na community service.
Ang akusado ay nahatulan batay sa reklamong isinampa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Korean National Police Agency.
Ang labing-isang manggagawang Pinay ay kinuha bilang entertainers subalit sila umano ay ginawang sex slaves ng akusado.
Ang mga ito ay nailigtas sa Club 69 sa Tongduchon City noong nakalipas na Hunyo.
Dinagdag pa ni Conferido, na ang POLO sa South Korea ay nakatakda ring magsampa ng civil damages laban sa akusado, promoters at recruiters ng labing-isang Pinay.(Ulat ni Mayen Jaymalin)