News blackout hirit ng pamilya Ledesma
September 16, 2002 | 12:00am
Personal na umapela kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pamilya ni Negros Occidental Rep. Julio "Jules" Ledesma na tumulong upang mapatahimik ang media at ipatupad ang news blackout kaugnay sa pagkidnap sa 2 anak ni Rep. Jules kamakailan sa San Juan.
Inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye na nais ng pamilya Ledesma na tigilan na ng media ang pagtalakay at pagpapalaki sa kasong kidnapping sa mga biktimang sina Julio Carlos Tomas, 5 anyos at Cristina Julieta Victoria, 10 anyos ng grupong kidnap-for-ransom syndicates.
Sinabi ni Bunye na mismong si Pangulong Arroyo ang nakikiusap sa media na tantanan muna ang nasabing kaso upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng dalawang bata.
Maging ang Malacañang ay nagpapatupad din ng news blackout at ayaw nitong nitong magbigay ng komentaryo kung mayroong mang isinasagawang negosasyon sa hinihinging P 60-M ransom kapalit ng kalayaan ng mga bata.
Tumahimik din ang Malacañang sa usaping nagkaron ng kapabayaan ang PNP at pumalpak ang inilunsad na 117 hotline na maaaring tawagan para sa mabilis na pagresponde sa krimen.
Samantala, isang mapapanaligang impormante ang nagsabing nasa karatig na lugar lamang ng Metro Manila ang mga kidnappers dahil sa nais ng mga itong mapadali ang kanilang pakikipag-negosasyon sa pamilya Ledesma kapalit ng hinihinging ransom.
Tumanggi ang impormante na tukuyin kung alin sa naturang mga lugar na kinabibilangan ng lalawigan ng Cavite, Bulacan, Laguna, Rizal at Pampanga umano'y posibleng pinagdalhan ng grupo sa mga biktima.
Masusing sinisiyasat ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) ang anggulong destabilization plot sa nangyaring pagdukot sa dalawang bata kung saan isa umanong maimpluwensiyang indibidwal ang hinihinalang nasa likod para lang ipahiya ang pamahalaang Arroyo.
Nabatid na natukoy na ang grupo ng mga kidnappers na responsable sa pagdukot matapos positibong kilalanin ito nina Jenalyn Tizado,25 anyos, yaya ng mga biktima at family driver na si Randy Barcelona,28 anyos ang dalawa sa mga abductors.
Gayunman tumanggi muna ang mga opisyal ng PACER na pangalanan ang mga suspect dahilan sa pagiging sensitibo ng kaso upang di umano manganib ang buhay ng mga biktima.(Ulat nina Ely Saludar at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended