Ang magaang na pautang na ito ay gagamitin ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng agrikultura lalo na sa produksiyon ng hybrid na bigas.
Isang hapunan din ang ihahandog sa Palasyo ng Pangulo at First Gentleman kay Li na siyang pangatlong pinakamataas na lider ng Peoples Republic of China.
Dumating si Li noong Huwebes ng gabi para sa apat na araw na pagbisita sa Pilipinas sa paanyaya ni House Speaker Jose de Venecia.
Bago makipagpulong sa Pangulo, si Li ay mauunang makikipagkita kina Vice President Teofisto Guingona, de Venecia at Senate President Pro-tempore Juan Flavier.
Nauna rito, inihayag ni Li na pangangalagaan ng kanyang pamahalaan ang kapakanan ng 140,000 Pinoy workers sa Hong Kong at 40,000 iba pa sa Macau. (Ulat ni Lilia Tolentino)