^

Bansa

Li Peng nasa bansa

-
Magpupulong ngayong araw sina Pangulong Arroyo at ang panauhin ng bansang si Chinese leader Li Peng, chairman ng People’s National Congress ng China at inaasahang muling tatalakayin ang $100 milyong pautang na ipinangako sa kanya ng liderato ng China noong bumisita siya sa Beijing ng nakaraang taon.

Ang magaang na pautang na ito ay gagamitin ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng agrikultura lalo na sa produksiyon ng hybrid na bigas.

Isang hapunan din ang ihahandog sa Palasyo ng Pangulo at First Gentleman kay Li na siyang pangatlong pinakamataas na lider ng People’s Republic of China.

Dumating si Li noong Huwebes ng gabi para sa apat na araw na pagbisita sa Pilipinas sa paanyaya ni House Speaker Jose de Venecia.

Bago makipagpulong sa Pangulo, si Li ay mauunang makikipagkita kina Vice President Teofisto Guingona, de Venecia at Senate President Pro-tempore Juan Flavier.

Nauna rito, inihayag ni Li na pangangalagaan ng kanyang pamahalaan ang kapakanan ng 140,000 Pinoy workers sa Hong Kong at 40,000 iba pa sa Macau. (Ulat ni Lilia Tolentino)

FIRST GENTLEMAN

HONG KONG

HOUSE SPEAKER JOSE

JUAN FLAVIER

LI PENG

LILIA TOLENTINO

NATIONAL CONGRESS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

REPUBLIC OF CHINA

SENATE PRESIDENT PRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with