^

Bansa

Messenger, bodyguards at driver ni Chavit, magdidiin kay Estrada

-
Ang messenger, bodyguards at driver ni dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson ang inaasahang magdidiin kay dating Pangulong Estrada sa sandaling humarap na sila sa Special Division ng Sandiganbayan.

Sa dalawang pahinang mosyon, hiniling ni Special Prosecutor II Humprey Monteroso sa Special Division na magpalabas ng subpoena laban kina Jemis Singson, messenger ng dating gobernador; Faustino Prudencio, driver at mga bodyguard na sina SPO2s Vicente Amistad at Frederico Artates at abogadong si Edward Ibera.

Sinabi ni Monteroso na ang lima ang magpapatunay sa testimonya nina Singson at ng kanyang personal na secretary na si Emma Lim.

Patutunayan umano ng mga bagong testigo na nag-deliver sila ng protection money mula sa jueteng kay Estrada.

Sa testimonya ni Lim, sinabi nito na kumolekta siya ng P5 milyon sa dalawang magkahiwalay na okasyon mula kay jueteng lord Rodolfo ‘‘Bong’’ Pineda sa tahanan nito sa East Greenhills, San Juan.

Sinabi din ni Lim na tatlong beses siyang kumolekta ng P1 milyon mula kay dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa opisina nito sa San Juan municipal hall.

Ipinahayag din ni Lim na siya ang nagdala sa Malacañang ng P5 milyon na personal na tinanggap ng secretary ng dating pangulo na si Malou Florendo. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

EAST GREENHILLS

EDWARD IBERA

EMMA LIM

FAUSTINO PRUDENCIO

FREDERICO ARTATES

HUMPREY MONTEROSO

ILOCOS SUR GOV

JEMIS SINGSON

MALOU FLORENDO

SAN JUAN

SPECIAL DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with