Sec. Nani Perez nagbitiw sa PIATCO
September 11, 2002 | 12:00am
Dahil umano sa delicadeza, nagbitiw si Justice Secretary Hernando Perez bilang chairman ng komite na nagsisiyasat sa kontrobersyal na kontrata ng PIATCO (Philippine International Air Terminals Co. Inc.).
Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, ang pagbibitiw ay ginawa ni Perez matapos malaman na ang kanyang dating law partner na si Marcial Balgos ng Balgos-Perez Law Office ay nagsampa ng kaso laban sa PIATCO.
"Dahil sa pagsasampa ng kaso laban sa PIATCO, maaaring magkaroon ng conflict of interest so Secretary Perez cleared the matter with the President and the President agreed to accept his resignation," sabi ni Bunye.
Matatandaang lumikha ang Pangulo ng isang komiteng pinamumunuan ni Perez para alamin kung mayroon ngang mga probisyon ang kontrata ng PIATCO na makasasama sa kapakanan ng gobyerno. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest