^

Bansa

Business sector protektado vs krimen - GMA

-
Tiniyak kahapon ni Pangulong Arroyo sa business sector sa bansa na magiging epektibo ang pagnenegosyo ngayon dahil sa patuloy na proteksiyon nila laban sa mga krimen tulad ng kidnapping at computer hacking.

Sinabi nito kahapon sa Camp Crame na bukod sa pagbagsak ng mga kidnap-for-ransom syndicate, malaking puntos rin ngayon ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga ‘‘white collar crime’’ sa bansa na lubhang nakakaapekto sa negosyo.

Partikular dito ang pagkakabulgar ng tax diversion scam sa Landbank at ang huli ay ang pagkakasakote sa dalawang Jordanian national at isang Pinoy na nagsasagawa ng computer hacking sa Muntinlupa City.

Iprinisinta kahapon sa Pangulo ang mga suspek na sina Mahmoud Nuseir, alyas Yusef Shaban; Mohamad Nuseir; at Filipino na si Marlon Laquindanum, alyas Blue Magic.

Tinatayang higit sa P100 milyon na umano buhat pa noong nakaraang taon ang natatangay ng naturang sindikato buhat sa iba’t ibang telephone company kung saan ninanakaw nila ang linya at ipinapagamit sa kanilang mga subscriber para ipantawag sa ibang bansa.

‘‘Pagpunta ko sa tatlong malaking pabrika sa Calabarzon, mababalita ko sa kanila na mas lalong tumahimik ang kanilang investments dahil ligtas sila sa kidnapping at sa computer hacker,’’ ayon sa Pangulo.

Ipinag-utos rin nito sa PNP na mas paigtingin pa ang pagtukoy sa mga naturang white collar syndicates na pinaniniwalaang marami pang nag-ooperate dahil sa malaking kaalaman ng mga Pinoy sa hacking habang nanawagan rin sa mga negosyante ng kanilang kooperasyon sa pulisya.

Iniulat rin sa Pangulo ni Ebdane ang pagkapatay sa apat na miyembro ng Veloso Group na sina Rosendo Veloso; Aurelio Pacitas, pawang dating miyembro ng Philippine Army; Pablito Salubod, alyas Big Boy; at isang ex-Sgt. Junior Doctor.

Bukod sa carnapping, sinabi ni Ebdane na sangkot rin ang naturang grupo sa kidnapping at panghoholdap. (Ulat ni Danilo Garcia)

AURELIO PACITAS

BIG BOY

BLUE MAGIC

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

EBDANE

JUNIOR DOCTOR

MAHMOUD NUSEIR

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with