^

Bansa

Jordanian terrorist boss nakapasok sa RP

-
Isang Jordanian national na tinaguriang "terrorist boss" ng umano’y kaalyado ni Saudi billionaire Osama bin Laden ang pakay ngayon ng pagtugis ng mga intelligence operatives ng Eastern Police District (EPD) at Bureau of Immigration and Deportation (BID) matapos na umano’y makapuslit ito papasok sa bansa kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Ivan Mahmoud na naatasan umanong magtayo ng terrorist cell sa bansa.

Ayon kay EPD director P/Chief Supt. Rolando Sacramento, nadiskubre ang plano hinggil sa posibleng pagtatatag ng international terrorists network al-Qaeda matapos maaresto ang ilang Pilipinong kasabwat ng mga ito na umano’y siyang nagsisilbing mga operator ng linyang pang-komunikasyon ng grupo ng mga international terrorist.

Nabatid kay Sacramento na marami umanong mga multi-national companies ang nagreklamo hinggil sa napakaraming overseas call bills na hinihinalang kagagawan ng mga galamay ni bin Laden.

Karamihan sa kasabwat nitong mga Pinoy ay mga "hackers" ng international telephone direct lines ng mga malalaking kumpanya upang umano’y illegal na pagserbisyuhan ang mga dayuhan partikular na ang mula sa Middle East at South Asian kapalit ng mababang singil.

Nag-umpisang magduda ang pulisya matapos maaresto kamakalawa si Marion Laquindanium, 20, ng Tunasan, Muntinlupa City na umano’y kasabwat ng mga dayuhang terorista na hindi umano binabayaran ng buwanang suweldo kundi isang modernong sasakyan. Ang nasabing kotse ay nakatakda pang ipadala ng nasabing Jordanian boss nito sa suspek.

Si Laquindanium ay nahuli dakong alas-7 ng gabi sa bahay nito matapos madiskubre ng PLDT ang hindi awtorisadong tawag sa telepono na minamaniobra nito sa Muntinlupa city.

Nasamsam sa pag-iingat nito ang mga telephone sets, cellphones, telephone exchange board o PABX, compact disc drive at iba pang electronic gadgets.

Nilinaw naman ni Sacramento na patuloy pa rin nilang ini-establish kung ang grupo ni Mahmoud ay talagang lehitimong al-Qaeda o simpleng hackers na nambibiktima ng malalaking kumpanya ng telepono sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CHIEF SUPT

EASTERN POLICE DISTRICT

ISANG JORDANIAN

IVAN MAHMOUD

JOY CANTOS

MARION LAQUINDANIUM

MIDDLE EAST

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with