Bitay sa kidnaper ng La Salle coed
September 6, 2002 | 12:00am
Parusang kamatayan ang ipinataw kahapon ng Quezon City Regional Trial Court sa isang 52-anyos na lalaki na dumukot, nagnakaw at bumaril sa isang De La Salle coed noong Enero 12, 1994 sa Quezon City.
Sa 26-pahinang desisyon ni QCRTC branch 76 Judge Demetrio Macapagal, si Venancio Roxas ay napatunayang nagkasala sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention at frustrated homicide kaugnay ng pagkakakidnap sa estudyanteng si Agnes Guirindola, 19 taong-gulang ng maganap ang insidente.
Samantala, 18-25 taon namang makukulong si Roxas sa kasong carnapping at theft bukod pa sa pagbabayad ng P1.5 milyon bilang danyos sa biktima.
Ang kasamahan ni Roxas na si Roberto Gungon ay una nang hinatulan ng kamatayan ng korte at kasalukuyang nakapiit sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.
Bukod dito, pinagbabayad din si Roxas ng halagang P36,161.00 bilang hospitalization fee, P38,000 halaga ng nanakaw na alahas at P250,257 para sa nasirang sasakyan ng biktima.
Sa court record, noong Enero 12, 1994 ay sakay ng kotseng Nissan Sentra si Guirindola ng harangin ni Roxas na naka-police uniform at nagpakilalang traffic enforcer sa Panay Ave. dahil sa umanoy traffic violation.
Matapos sitahin, si Roxas kasama si Gungon at isa pang hindi nakilalang lalaki ay dinala ang biktima sa Brgy. Bagong Pook San Jose, Batangas kung saan binaril sa mukha at leeg si Guirindola at saka nagsitakas sa pag-aakalang patay na ito at tangay din ang mga ninakaw sa biktima.
Gayunman, ilang residente ang tumulong sa biktima at nagdala sa kanya sa ospital.
Sa pamamagitan ng cartographic sketch ay nadakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation si Roxas noong September 11, 1995 habang si Gungon ay nahuli sa Davao City.
Labis naman ang kasiyahan ng biktima at pamilya nito dahil nakuha nila ang hustisya matapos ang mahabang panahon.(Ulat nina Angie dela Cruz at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended