Itoy kasunod ng reklamo ng mga environmentalists na ang mga planta ay nagtataglay ng mercury na nakalalason sa tao.
Sa report ni EMB director Julian Amador kay DENR Secretary Heherson Alvarez, ang hakbang ay ginawa alinsunod sa EMB special order 202 na layuning malaman ang impact ng operasyon ng naturang mga planta sa kapaligiran at sa mga taong naninirahan malapit dito.
Kasama ng DENR-EMB teams ang mga tauhan ng Phil. Nuclear Research Institute (PNRI) sa tulong ng Dept of Health (DOH) para sa maayos na pagsusuri sa anumang findings at analysis hinggil sa epektong dulot ng power plants sa kalusugan ng tao at kapaligiran.
Ilan sa mga takdang inspeksiyunin ng DENR ay ang 300 megawatt plant sa brgy. San Rafael Calaca, Batangas; 600 megawatt plant sa brgy. Bani Masinloc, Zambales; 433 megawatt plant sa brgy. Cagsiay 1 Mauban, Quezon; 700 megawatt plant sa brgy. Polo, Ibaba, Pagbilao, Quezon at 1,200 megawatt plant sa brgy. Panhascasan Sual, Pangasinan. (Ulat ni Angie dela Cruz)