Sinabi ni Dr. Quanan, leading specialist sa brain stroke cases na ang napakaraming bisyo at eating habit din ng mga Filipino ang dapat sisihin kung bakit lumolobo ang bilang ng mga namamatay sa sakit na ito.
Binigyang diin ni Dr. Quanan na ang malabis na pagkahilig sa mga maaalat na pagkain, matataba at makolesterol ang nagpapataas ng brain attack risk sa isang indibidwal, lalo na kung bata pa lang nagsimulang mahilig sa nabanggit na mga pagkain.
Binanggit pa ni Dr. Quanan na mayroon ding malaking porsyento ng brain stroke ang mga taong malalakas maghilik.
Ayon dito, nagkakaroon ng disruption ang flow ng oxygen patungong utak dahil na rin sa abnormal na pasok ng hangin sa esophgagus ng isang tao na dahilan upang magkaroon ng snoring sound. (Ulat ni Andi Garcia)