^

Bansa

Brain stroke no. 2 killer sa RP

-
Pumapangalawa na ang brain stroke bilang killer sa bansa at no. 1 killer naman sa Asia kung saan sa pinaka-latest figure na nakalap ng Stroke Data Project (STP) ng St. Lukes Hospital ay lumilitaw na ang kabataan ang pangunahing nagiging biktima ng brain attack.

Sinabi ni Dr. Quanan, leading specialist sa brain stroke cases na ang napakaraming bisyo at eating habit din ng mga Filipino ang dapat sisihin kung bakit lumolobo ang bilang ng mga namamatay sa sakit na ito.

Binigyang diin ni Dr. Quanan na ang malabis na pagkahilig sa mga maaalat na pagkain, matataba at makolesterol ang nagpapataas ng brain attack risk sa isang indibidwal, lalo na kung bata pa lang nagsimulang mahilig sa nabanggit na mga pagkain.

Binanggit pa ni Dr. Quanan na mayroon ding malaking porsyento ng brain stroke ang mga taong malalakas maghilik.

Ayon dito, nagkakaroon ng disruption ang flow ng oxygen patungong utak dahil na rin sa abnormal na pasok ng hangin sa esophgagus ng isang tao na dahilan upang magkaroon ng snoring sound. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

AYON

BINANGGIT

BINIGYANG

DR. QUANAN

PUMAPANGALAWA

SINABI

ST. LUKES HOSPITAL

STROKE DATA PROJECT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with