^

Bansa

Taas sa pamasahe hihirit

-
Hihirit naman ng taas sa pasahe sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang transport group sa pangunguna ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Sa isang panayam, sinabi ni Medardo Roda, pangulo ng PISTON, hihingi sila ng 50 sentimos na dagdag sa pasahe sa LTFRB para hindi naman mamulubi ang maliliit na mga driver sa bansa.

"Hindi na talaga namin makakayanan ang pagtataas na ito sa halaga ng krudo. Ang hakbang na ito ay malamang na magdulot ng taas sa halaga ng mga bilihin at kapag nangyari ito, dobleng epekto ito sa aming pang-araw-araw na buhay," ani Roda.

Mula umano noong March 20, 2002 umabot sa 12 sentimo ang naitaas sa halaga ng krudo. Kung idaragdag aniya ang 39 centavos na taas sa halaga ng krudo, aabutin na anya ng 51 centavos. Ito umano ay hindi na nila mapapalampas.

Magkagayunman, sinabi ni Roda na hindi naman sila magsasagawa ng anumang protesta o pagtigil sa pamamasada dahil sa naganap na panibagong oil price hike. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

HIHIRIT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MAGKAGAYUNMAN

MEDARDO RODA

OPERATOR NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

RODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with