^

Bansa

2 kinidnap ng mga pulis itutumba

-
Pinagbantaang itutumba ang dalawang negosyante ng mga pulis na dumukot sa kanila sa Las Piñas City kapag hindi inurong ng mga ito ang kanilang reklamo sa tanggapan ng Regional Complaint and Referral Center (RCRC), Internal Affairs Services sa Camp Bagong Diwa, Bicutan.

Ang dalawang negosyanteng sina Marcecilla Caballero, 49 at Nestor Acsay, 33 at escort nilang si Jomer Ebon, 26, ay nagtungo noong Sabado ng hapon sa tanggapan ni P/Supt. Moises Conde upang pormal na magsampa ng demanda at kilalanin ang mga pulis na dumukot sa kanila sa harap ng Ken Ken videoke bar malapit sa Jollibee, Zapote, Las Piñas City noong madaling araw ng Agosto 23, taong kasalukuyan.

Base sa police blotter na nakalap ng PSN, lulan ang mga biktima ng sasakyang Pajero (UCT-128) nang ito ay harangin ng isang Honda Civic (UPG-929), berdeng Lancer (NBU-996) at isang puting kotse na walang plaka na kinalululanan ng mga tauhan ni P/ Supt. Mariano Fegarido ng Southern Police District-Drug Enforcement Group (SPD-DEG) at dinala sa hindi nabatid na safehouse sa Fort Bonifacio, Makati City.

Hindi naman inabutan ng mga nagrespondeng Las Piñas police at miyembro ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ang grupo ng mga suspek na pulis na nagtuloy sa isang lugar sa Coastal Road.

Sa daan pa lamang ay hinihingian ng pera ang mga negosyante ng kalahating milyong piso subalit walang dala kaya dumiretso ang mga suspek sa bahay ni Caballero sa Sorento Subdivision, Panapaan, Bacoor, Cavite at doon isinagawa ang negosasyon.

Dahil sa walang ganoong halaga ang dalawang negosyante ay nagkasundo na lamang ito sa P 100,000.

Bukod sa nakuhang pera ay kinuha pa umano ng mga suspek ang mamahaling alahas at gamit sa bahay at bago tuluyang nagsitakas ay pinagsabihan pa sila ng mga pulis na kidnaper na tumahimik na lamang at walang mangyayari sa kanila.

Gayunman ay naglakas-loob na nagreklamo ang dalawang negosyante sa kinauukulan upang ipagbigay-alam ang pangyayari.

Sa panayam ng PSN sa mga biktima na ang negosyo ay money lending, may tatlong beses na umanong tumatawag at nagte-text ang isang pulis na kidnaper na kinilalang si SPO1 Remecias Tersero, alyas "Prime" na nagbabanta na may masamang mangyayari sa kanila.

Bineripika ng PSN ang opisina ng (SPD-DEG) ang pangalan ng pitong pulis na kumidnap sa dalawang negosyante ngunit tatlo lamang ang ibinigay na nakilalang sina PO3 Carlos Caphepero, PO3 Cirilo Zamora, P/Supt. Ramon Ramirez at ang iba naman ay nakilala sa alyas na Caloy, Ponche at Alex.

Sinabi naman ni National Police Commission Administrative Director, Atty. Bernardo Calibo na padadalhan nila ng summon ang mga pulis na nabanggit kapag natanggap na nila ang reklamo laban sa mga ito. (Ulat nina Mario D. Basco at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BERNARDO CALIBO

CAMP BAGONG DIWA

CARLOS CAPHEPERO

CIRILO ZAMORA

COASTAL ROAD

DRUG ENFORCEMENT GROUP

FORT BONIFACIO

HONDA CIVIC

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with