^

Bansa

'Task Force Pinoy Deportess' binuo

-
Isang task force ang binuo upang mag-imbestiga sa di makataong pagtrato ng Malaysian authorities sa libu-libong Filipino deportees at detainees sa Sabah.

Ayon kay Foreign Affairs Sr. Undersecretary for Policy Lauro Baja Jr., ang nasabing task force ay manggagaling mula sa mga kinatawan ng Malaysian Defense department at DFA ng Pilipinas.

Sinabi ni Baja na nakausap niya si Phil. Ambassador to Malaysia Taufik Mohamed Noor at nabatid na nagpulong na ang mga miyembro ng gabinete ng Malaysia kaugnay sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas. Napagkasunduan sa pulong na pamumunuan ng Defense minister ang pagsasagawa ng imbestigasyon kasunod nang pagbuo ng naturang task force.

Nabatid na nagkasundo na sina Pangulong Arroyo ay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad na agad resolbahin ang problema sa isyu ng deportasyon ng mga Pinoy. Ito ay matapos na magkausap ang dalawa sa gitna ng umiigting na tensiyon sa magkabilang panig dahil sa pagmamaltrato sa mga Pinoy na pinalayas sa Malaysia. Inihayag ng Pangulo na magpapadala ito ng isang official mission sa Kuala Lumpur sa Lunes upang talakayin ang mga detalye na siyang lulutas sa nasabing problema.

Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Arroyo sa sambayanang Pilipino na maging mahinahon bagamat nauunawaan nito ang emosyon ng mga Pinoy dahil sa pagkamatay ng ilang kabataan sa detention center at ang pagsisiksikan na parang sardinas na lumitaw na hindi makataong pagtrato.

Binigyang diin ng Pangulo na ang Malaysia ay kaalyado ng Pilipinas kaya marapat na lutasin ang problema sa isang diplomatikong paraan. (Ulat nina Ellen Fernando/Ely Saludar)

vuukle comment

ELLEN FERNANDO

ELY SALUDAR

FOREIGN AFFAIRS SR. UNDERSECRETARY

KUALA LUMPUR

MALAYSIA TAUFIK MOHAMED NOOR

MALAYSIAN DEFENSE

MALAYSIAN PRIME MINISTER MAHATHIR MOHAMAD

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with