Layunin ng nasabing panukala na inihain ni Pasay City Rep. Consuelo Dy na magkaroon ng parehong benepisyo ang mga dalagang nagdadalang-tao pero walang asawa at ang mga married pregnant employees.
Sinabi pa ni Dy na kung tutuusin, mas dapat bigyan ng proteksiyon ang mga buntis na single women dahil kalimitan ay wala silang financial support na natatanggap sa ama ng kanilang anak.
Ayon pa kay Dy, ang gobyerno ang may pinakamaraming empleyadong babae, pero ito rin ang nangunguna sa paghingi ng marriage certificate bago ibigay ang maternity leave benefits.
Marami rin aniyang pagkakataon na ang pagbubuntis ng walang asawa ang nagiging dahilan sa pagkakadismis sa trabaho ng isang dalaga.
Sinuportahan naman ng Department of Labor and Employment na hindi lamang ang kapakanan ng ina ang dapat bigyang halaga kundi dapat ding isaalang-alang ang kapakanan ng bata.
Sinabi pa nito na ang mga empleyadang nagdadalantao sa pribadong sektor, may asawa man o wala, ay may pantay na benepisyong nakukuha alinsunod sa itinakda ng Social Security Act of 1997. (Ulat ni Malou Escudero)