^

Bansa

2 bagong SC justices hinirang

-
Dalawang bagong associate justice ng Korte Suprema ang itinalaga ni Pangulong Arroyo para punan ang dalawang bakanteng puwesto.

Hinirang ng Pangulo sina Conchita Morales at Romeo Callejo. Ang dalawa ang siyang napili ng Presidente mula sa mga inirekomenda ng Judicial Bar Council (JBC) para pumalit sa mga nagretiro nang sina Associate Justices Jose Melo at Sabino de Leon.

Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya ang pagpupuno sa mga bakanteng puwesto sa Supreme Court matapos ihayag ni Chief Justice Hilario Davide na gustong makialam ng Malacañang sa listahan ng mga dapat irekomenda sa Kataas-taasang Korte.

Dahil sa pahayag na ito ni Davide, nagpaliwanag si Justice Secretary Hernando Perez na hiniling lang niya sa JBC na pinamumunuan ni Davide na gawing magaan ang alituntunin sa pagpili ng mga kandidato para makabilang sa rekomendasyon si dating Presidential Legal counsel Adolf Azcuna.

Nagharap ng petisyon si Perez para mabigyan ng konsiderasyon na magkaroon ng pang-10 at pang-11 aspirante sa bakanteng puwesto.

Sinabi ni Perez na lima lang kandidato ang nasa listahan ng isinumiteng rekomendasyon ng JBC gayong ang normal na listahan ay may 10 kandidato.

Subalit sinabi ng JBC na lima lamang sa 10 nasa listahan ang nakakuha ng apat na boto ng mga miyembro ng JBC para makasama sa tinatawag na "shortlist" na isinumite sa Pangulo para pagpilian nito. Si Azcuna ay nakakuha lang ng 3 boto sa JBC. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ADOLF AZCUNA

ASSOCIATE JUSTICES JOSE MELO

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

CONCHITA MORALES

JUDICIAL BAR COUNCIL

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KORTE SUPREMA

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with