Erap hinubaran ng ari-arian
August 27, 2002 | 12:00am
Nagpahayag ng pangamba ang kampo ni dating Pangulong Estrada na mapilitan itong tumira sa squatters area sakaling ipatupad ng gobyernong Arroyo ang utos ng Sandiganbayan Special Division na kumpiskahin lahat ng naipundar nito.
Sa 10-pahinang kautusang ipinalabas noong Biyernes at may lagda ni presiding justices Minita Cacho Nazario, Edilberto Sandoval at Teresita Leonardo de Castro, pinagbigyan ng korte ang kahilingan ng prosecution panel na maglabas ng writ of preliminary attachment sa mga pag-aari ni Estrada, kabilang ang dalawang mansion na nasa pangalan ng umanoy Erap cronies at P212.531 million deposits sa ibat ibang bank accounts na nasa ibat ibang pangalan, sa argumentong ang mga ito ay "ill-gotten wealth."
Bukod kay Estrada, anak nitong si Jinggoy at Atty. Edward Serapio, mga akusado sa kasong plunder, ipinasama rin ng korte ang mga pag-aari at deposito sa bangko ni Yolanda Ricaforte at Charlie "Atong" Ang.
Kasama ang bahay at lupa ni Ricaforte, accountant-editor ni Estrada sa jueteng operations, na nasa #25 Freedom Ave., Area I, Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo, QC at ang P11.135 milyon na idineposito ni Ricaforte sa anim na sangay ng Equitable-PCI Bank.
Hindi na rin puwedeng galawin ang bahay at lupa ni Ang na matatagpuan sa #18 Manansala st., Corinthians Garden, QC.
Naka-freeze na rin ang bank deposits sa ilalim ng Erap Muslim Youth Foundation na ipinasok sa Equitable Bank, Strata 100 Ortigas branch na umaabot sa kabuuang P201.396 milyon.
Isinama rin sa kautusan ang mga deposito sa bangko at mga pag-aari na nakapangalan kay "Jose Velarde," tulad ng mamahaling Boracay mansion.
Sinabi ng Special Division na may karapatan ang prosekusyon na hilingin ang pag-freeze sa property sa ilalim ng Rule III ng Rules of Court at maging sa Plunder Law.
Gayunman, pumayag naman ang korte na pansamantalang iurong ang implementasyon sa pag-freeze ng iba pang ari-arian at personal na properties ng mga akusado na hindi kasama sa mga nabanggit na properties at salapi.
Sinabi ng prosekusyon na marami pa silang property na hihilinging i-freeze tulad ng P13 milyon halaga ng kuwintas ng dating aktres na si Laarni Enriquez.
Bukod sa Sheriff Division ng Sandiganbayan, inatasan din ang PNP na tiyaking maipatupad ang writ of preliminary attachment na inilabas ng korte. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest