^

Bansa

Gobyerno walang budget sa contraceptives

-
Inaasahan na lalong lolobo ang populasyon ng Pilipinas sa susunod na taon dahil hindi naglaan ng budget ang Malacañang para sa pagbili ng mga contraceptives at iba pang programa na may kaugnayan sa pagkontrol ng papulasyon.

Ito ang sinabi kahapon ng ilang mambabatas matapos mabuklat ang isinumiteng panukalang pambansang budget para sa 2003 kung saan walang nakalaan para sa population control.

Ipinagtataka ng ilang miyembro ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Foundation, Inc. (PLCPD) kung bakit hindi pinagtutuunan ng pansin ni Pangulong Arroyo ang lumalaking bilang ng mga Filipino gayong ito ang nagiging dahilan kung bakit dumarami ang problema ng bansa.

Sinabi ni Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales na hindi dapat iasa ng Malacañang sa mga non-government organization ang mga programa sa pagkontrol ng populasyon.

Pinalala pa nito ang inaasahang pagbawas ng Amerika ng kanilang contraceptive donation sa bansa sa susunod na taon.

Ang Pilipinas ang ika-14 bansang may pinakamaraming bilang ng populasyon sa buong mundo.

Sa ngayon ay umaabot na sa 80 milyon ang mga Filipino, 32 milyon ay nabubuhay sa kahirapan. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

AKBAYAN REP

AMERIKA

ANG PILIPINAS

INAASAHAN

LORETTA ANN ROSALES

MALACA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE LEGISLATORS

POPULATION AND DEVELOPMENT FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with