^

Bansa

FPJ magpapakulong!

-
Nakahanda si action king Fernando Poe Jr. na magpabilanggo kung ituturing na isang krimen ang pagdalaw sa isang kaibigan.

Ito ang sinabi umano ni FPJ kaugnay sa ginawang pag-angal ng prosecution sa napabalitang pagdiriwang niya ng kanyang birthday sa Veterans Memorial Medical Center kasama ang matalik na kaibigan.

Sinabi ni Estrada na naniniwala si Poe na walang masama sa kanyang pagdalaw kaya okey lang dito kahit makulong.

Matatandaang pinagpapaliwanag ni Assistant Ombudsman Dennis Villa Ignacio ang mga nakatalagang security ni Estrada at ang director ng ospital na si Dr. Liberatio Casison dahil sa ginawang party ni FPJ sa VMMC.

Ani Villa Ignacio, dapat alalahanin ng mga taong nagdaos ng party na hindi lamang si Estrada ang pasyente sa VMMC.

Isa aniyang pampublikong lugar ang Veterans kaya hindi makatuwirang magkaroon ng pribadong party lalo’t nahaharap ang mga akusadong Estrada sa P4.1 bilyong plunder case.

Dumalo sa party ni FPJ sa Veterans sina Senators Loi Ejercito, Vicente Sotto III, Panfilo Lacson at ilang malalapit na kaibigan ng dating pangulo.

Kaugnay nito, naniniwala si Estrada na 90% mananalo ang kanyang kaibigan kung kakalabanin nito si Pangulong Arroyo.

Hanggang sa kasalukuyan ay kinukumbinsi pa umano niya itong tumakbo. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ANI VILLA IGNACIO

ASSISTANT OMBUDSMAN DENNIS VILLA IGNACIO

DR. LIBERATIO CASISON

FERNANDO POE JR.

MALOU ESCUDERO

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

SENATORS LOI EJERCITO

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with