^

Bansa

Pag-aklas ng BIR employees bubusisiin

-
Matinding pagbusisi ang ginagawa ngayon ng Civil Service Commission (CSC) hinggil sa kontrobersiyal na pag-iwan ng mga empleyado ng Bureau of Internal revenue (BIR) sa kanilang mga trabaho upang bigyang daan ang pag-aaklas laban sa kanilang napatalsik na hepe na si Rene Banez.

Sinabi ni CSC chairperson Karina David, may batas na nagbibigay karapatan sa mga manggagawa para mag-organisa pero hindi naman pinahihintulutan ng batas na abandonahin ng mga gov’t employees ang kanilang trabaho para lamang sa pagsasagawa ng strike, demonstrasyon, mass leaves, mass walkouts at iba pang uri ng mass action na magreresulta sa paghinto sa kanilang trabaho.

Nilinaw din ni David na bagamat kinikilala ng komisyon ang pagbubuo ng mga unyon ng mga manggagawa, dapat din nilang isaisip ang kanilang mga responsibilidad bilang katuwang ng pamahalaan para serbisyuhan ang taumbayan.

Hindi naman binanggit ni David kung ano ang ipapataw na parusa ng CSC sa mga empleyado ng BIR na umabandona sa kanilang mga trabaho.

Sinabi lang niya na bagamat patuloy ang ginagawang pagbusisi sa insidenteng nabanggit, mas maganda pa ring aksiyunan ng ahensiya kung may mga complaint hinggil sa naganap na mass walkout ng BIR employees. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BUREAU OF INTERNAL

CIVIL SERVICE COMMISSION

CRUZ

KANILANG

KARINA DAVID

MATINDING

RENE BANEZ

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with