Sayyaf humirit: 8 dinukot
August 22, 2002 | 12:00am
Isang pursuit operation ang isinasagawa ng AFP Southern Command laban sa mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf na nangidnap nang 8 kataong dealer ng Avon cosmetics sa Patikul, Sulu kamakalawa.
Kinilala ang mga dinukot na sina Mori Bendijo, Cleope Montolo, Lemuel Mantej, Emily Mantej, Lucimil Montolo, mag-asawang Boyet at Malen Solaiman at ang driver na si Yahya Hamsi.
Gayunman, makalipas ang ilang oras ay pinakawalan din ang mag-asawang Solaiman bunsod na rin ng pagiging Muslim ng mga ito.
Ayon sa ulat, dakong alas-11 ng gabi ng dukutin ang mga biktima na sakay ng isang FX sa Sitio Parang-Parang, Brgy. Darayan, Patikul.
Galing ang mga biktima mula sa pagde-deliber ng kanilang produkto sa Brgy. Taglibi, Patikul ng pagsapit sa Sitio Parang-Parang ay dalawang armadong lalaki ang humarang sa FX at pinababa ang mga biktima saka dinala patungo sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Darayan.
Sa interogasyon sa driver, kinilala nito ang isa sa mga dumukot na si Abdumon Sahiron, alyas Kumander Moil na pamangkin ni Abu Sayyaf Kumander Radullah Sahiron.
Ayon naman kay Southcom chief Lt. Gen. Ernesto Carolina, hindi pa nila madetermina kung ang mga suspek ay kidnappers dahil ang mga tinangay nila ay pawang naka-base sa Zamboanga City bilang sales agent at nakakapagsalita ng Tausug. "What we can say as of now they are missing," ani Carolina.
"Namomorsyento lang ang mga ito, these are not good materials for ransom kasi walang maibabayad," sabi ni Carolina,
Posible anyang dinukot ang mga biktima para gawing pananggalang ng bandidong grupo.
Sinabi pa ni Carolina na kinontak na nila ang Avon company na huwag magbigay ng ransom sakaling mag-demand ang mga suspek ng pera kapalit ng kalayaan ng anim na bihag.
Ito ang unang pagkakataon na ang naturang grupo ay muling nagsagawa ng kidnap operation sapul nang matapos ang 6-buwang Balikatan joint military exercise ng Pilipinas at Estados Unidos. (Ulat nina Joy Cantos at Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended