Ito ang siniguro ni House Speaker Jose de Venecia dahil sa panukalang batas na may layuning tanggalin na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa kinakailangang dagdag sa tax collection bunga ng budget deficit ng mahigit sa P 120-B noong unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.
Ang pagbuo ng Internal Revenue Management Authority (IRMA) kapalit ng BIR ay ipinanukala sa pangunguna ni De Venecia at ilang kongresista.
Nilinaw ni De Venecia na ang pag-abolish sa BIR ay magpapalakas sa tax agency sa pamamagitan ng pagtaas ng managerial flexibility, performance requirements at accountabilities.
Ang IRMA ay magiging katulad ng isang korporasyon na malaya sa kontrol ng pulitika na hinango sa bansang New Zealand, Peru at Singapore na naging matagumpay. (Ulat ni Jhay Mejias)