Kapalit ni Roco, hindi pulitiko
August 19, 2002 | 12:00am
Siniguro ng Malacañang na hindi isang pulitiko kundi isang educator ang itatalaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kapalit ng nagbitiw na si Sec. Raul Roco sa Department of Educaton.(DepEd).
Ayon kay Press Secretary Ignacio "Toting" Bunye, na mayroon ng dalawang lalaking pinagpipilian para pumalit sa puwesto ni Roco.
Hindi nagbigay ng paliwanag si Bunye kung bakit ayaw na ng Pangulo sa isang pulitiko at kung bakit hindi rin nito gusto na babae ang mamumuno sa nasabing departamento.
Nabura ang haka-haka na ang maaaring pumalit kay Roco ay sina dating Economic Planning Secretary Solita Monsod at Presidential Adviser on Education Mona Valisno.
Lumutang naman ang mga pangalan nina Emmanuel Angeles, dating presidente ng Angeles University at ngayon ay presidente ng Clark Development Authority at si Philippine Normal University President Nilo Rosas.
Si Rosas ay dating Education Undersecretary at Director ng National Capital Region noong panahon ni dating Education Secretary Isidro Cariño. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am