^

Bansa

Nagpondo ng survey ni GMA, drug lord?

-
Isang kilalang drug dealer umano ang nasa likod ng non-government organization na Crusade for a Better Philippines Movement (CBPM) na siyang nag-pondo ng Social Weather Stations survey kung saan umani ng napakataas na approval rating si Pangulong Arroyo.

Kasama ang pangalan ni CBPM founding chairman Michael Say sa ‘‘2002 Major Drug Syndicates’’ report ng PNP Narcotics Groups na may headquarters sa Camp Crame, subalit hindi pa nakukumpirma kung ang chairman ng CBPM, na siya ring hepe ng kompanyang L&M Maxco Co. Inc., ang siya ring Michael Say na nakalista sa PNP watchlist ‘‘level II.’’ Ang tinuturing na drug dealer level II ay ’yung mga bumibili ng shabu mula sa importer ng wholesale at ibinebenta naman por kilo.

Ayon sa isang report ng NarGroup na may petsang Hulyo 25, 2002, isang Michael G. Say ang nakilalang wholesale buyer ng shabu sa kalakhang Maynila at matagal ng binabantayan ng mga awtoridad ang mga kilos nito.

Hindi naman makumpirma ng hayagan ng mga opisyal ng Narcom kung ang Michael G. Say na nakalista sa kanilang watch list at ang hepe ng CBPM ay iisa.

Hindi rin binanggit ng mga ito kung bakit hindi pa inaaresto o sinasampahan ng kaso si Say sa kabila ng kanyang iligal na gawain.

Ayon sa isang opisyal ng NarGroup na ayaw magpakilala, ang impormasyong nakasaad sa report ay magagamit lamang para sa police intelligence at sa isasagawang imbestigasyon ng PNP.

Magugunitang napaulat sa mga pahayagan na ang itinuturong opisina ng CBPM sa #44 Sct. Borromeo st., Quezon City ay natuklasang isang auto repair at sewing shop. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

AYON

BETTER PHILIPPINES MOVEMENT

CAMP CRAME

DRUG SYNDICATES

M MAXCO CO

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MICHAEL G

MICHAEL SAY

NARCOTICS GROUPS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with