5 libo Pinoy stranded sa Malaysia
August 17, 2002 | 12:00am
Sa kagustuhang makauwi na sa Pilipinas matapos taningan ng pamahalaang Malaysia na ipatutupad na ang pag-aresto sa mga illegal alien dito, ay 5,000 undocumented Filipino workers ang nagsisiksikan ngayon matapos maistranded sa Sandakan, Malaysia.
Sa isang report, kasalukuyang naghihintay ang libu-libong manggagawang Pinoy ng masasakyang pandagat na magmumula sa Pilipinas.
Dahil dito, hiniling na kahapon ni Foreign Affairs Secretary Blas Ople sa mga opisyal ng Phil. Navy na magdagdag ng dalawa pang Navy vessel upang masakyan ng mga nabanggit na undocumented Filipinos.
Gayunman, ngayon pa lamang araw makakapunta sa Sandakan ang apat na barko ng Phil. Navy upang sunduin ang may 5,000 Filipino.
Iniulat na umabot din sa 700 Pinoy na nagpumilit na makaalis sa Malaysia ang naipit sa Mapun island na sakop ng Zamboaga City at nakatakda ring i-rescue ng mga tauhan ng Navy. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest