^

Bansa

Erap, Loi lusot sa contempt

-
Lusot na sa kasong contempt sina dating Pangulong Estrada, Sen. Loi Ejercito at tatlong iba pa matapos ibasura ng Sandiganbayan ang petisyon ng Plunder Watch dahil sa kawalan ng merito.

Sinabi ng Special Division na walang basehan ang kahilingan ng Plunder Watch sa pangunguna ni Fr. Jose Dizon na parusahan ang mga akusadong sina Estrada, Sen. Loi, Jinggoy Estrada, Attys. Rene Saguisag at Raymond Fortun.

Ayon sa korte, sapat na ang ginawang pagharap ni Estrada at paghingi ng paumanhin sa korte kung saan nangako pa ang dating presidente na hindi na muling aatakihin ang justice system ng bansa.

Magugunitang naunang ikinatwiran ng depensa na hindi maaaring kasuhan si Sen. Loi ng contempt dahil ginawa niya ang pagbatikos sa korte sa pamamagitan ng privileged speech at bilang miyembro ng Senado ay mayroon itong "immunity from suit."

Nag-ugat ang pagsasampa ng reklamong contempt ng sibakin ni Estrada ang kanyang mga abogado upang ipakita na wala na siyang tiwala sa korte. (Ulat ni Malou Escudero)

JINGGOY ESTRADA

JOSE DIZON

LOI

LOI EJERCITO

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ESTRADA

PLUNDER WATCH

RAYMOND FORTUN

RENE SAGUISAG

SPECIAL DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with