Paggawa, pagbebenta ng pekeng gamot gagawing heinous crimes
August 15, 2002 | 12:00am
Upang hindi maging "fake drug capital" ng mundo ang Pilipinas, ipinanukala kahapon ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, chairman ng House committee on foreign relations na gawing karumal-dumal na krimen ang paggawa at pagbebenta ng mga pekeng gamot at ipataw dito ang parusang kamatayan.
Sinabi ni Lozada na ang kawalan ng mabigat na parusa sa paggawa at pagpapakalat ng mga pekeng gamot ang dahilan kung bakit patuloy itong ginagawa ng mga sindikato sa kabila ng matinding kampanya ng Bureau of Food and Drugs (BFAD).
Umaabot aniya sa P150 million hanggang P300 million ang halaga ng mga nakukumpiskang pekeng gamot ng BFAD, subalit patuloy pa rin ang pagbaha nito sa mga drug stores na nagiging dahilan upang mamatay ang mga taong may sakit na nakakainom nito.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga pinepekeng gamot ang antibiotics tulad ng Augmentin at Fortun, Ponstan na isang painkiller, contraceptives, AIDS vaccine, Viagra tablets, anti-malaria at paracetamol. Ang mga pekeng gamot ay kalimitang hinahaluan ng harina at toxic chemicals.
Sa kasalukuyan, ang tanging parusang ibinibigay sa mga drug stores na nahuhuling nagbebenta ng pekeng gamot ay warning sa first offense at ang paglalagay nito sa watchlist ng BFAD; multang P100,000 sa second offense at pansamantalang pagpapasara sa third offense.
Pinuna ni Lozada na masyadong mababa ang nasabing parusa samantalang napakabigat na krimen ang kanilang nagawa.
Inatasan din ni Lozada ang Bureau of Customs na mahigpit na bantayan ang mga shipment na magmumula sa China at Thailand na umanoy source ng fake medicines. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended